18

Jan 12, 2021 @ 15:39
By

Reynel Hugnatan loyal sa Meralco

Nanatili si Reynel Hugnatan bilang manlalaro ng Meralco Bolts.

Ayon sa ulat, sumang-ayon ang dalawang partido para i-extend ang kontrata ng manlalaro sanaturong koponan.

Inilirawan naman ni Paolo Trillo, team manager ng naturang grupo, na isang “fitting reward” ang napagkasunduan nila matapos ang ipinakitang husay ni Hugnatan sa nakaraang 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa bubble sa Clark, Pampanga.

Mayroong average na 12.0 puntos, 4.3 mga rebound at 2.3 mga assist per game na naitala si Hugnatan sa conference na nagdala naman sa Bolts sa semifinals.

Na-extend din ang mga kontrata nila Nonoy Baclao at Jammer Jamito bilang mga manlalaro ng Bolts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?