10

By

Reymart Gaballo itataya ang WBA interim crown

Sharing is caring!

Makakaharap ni World Boxing Association (WBA) Interim Bantamweight champion Reymart Gaballo (19-0, 16 KOs) si Tanzanian fighter Julias Kisarawe (29-6-1, 15 KOs) ngayong Setyembre 30 sa SM Skydome sa Quezon City.

Nagsimula nang magsanay si Gaballo sa Sanman Gym sa General Santos City at si dating world champion Marlon Tapales ang spar mate niya.

Ayon kay Tapales, pinahihirapan niya si Gaballo para pagdating ng aktuwal na bakbakan ay hindi ito gaanong mahirapan.

“I am giving him (Gaballo) a hard time in order for his actual fight to be easy when it happens,” saad ni Tapales.

Para naman kay Gaballo, hindi niya maaring ipahiya ang kanyang kababayan.

“Kisarawe is hungry and will come at me with everything in order to increase his ranking. But I won’t let him do that. I will be at my 100% shape come fight day. I will do my best to give an entertaining fight”, saad ni Gaballo.

Nasikwat ni Gaballo ang kanyang titulo laban kay Stephon Young sa bisa ng unanimous decision.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?