111

May 14, 2018 @ 17:46
By

Reyk bagong tinik kay Pagara

Pinalitan ang magiging kasapakan ni dating WBO International super lightweight champion Jason Pagara (40-3-1, 25 KOs) para sa Pinoy Pride 44 na gaganapin sa Maasin City Gym, Southern Leyte sa Hunyo 9.

Haharapin sana ni Pagara si Geisler AP (12-10-1, 9 KOs) ng Indonesia ngunit hindi ito sumunod sa kontrata nang sumabak sa ibang laban, isang buwan bago ang nakatakdang paghaharap ng dalawa.

Dahil dito, hahalili ang kababayan ni Geisler na si Wellem Reyk (19-18-4, 5 KOs) bilang bagong katunggali ng Pinoy boxer.

Asahang babawi ang 29-anyos na si Pagara na muling tutungtong sa lona kasunod ng TKO loss sa 6th round kontra wala pang talo Hiroki Okada (18-0, 13 KOs) sa Japan noong Disyembre 2017.

Magpapakitang-gilas rin ang nakakabatang kapatid ni Jason na si Prince Albert Pagara (29-1, 20 KO) sa main.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?