40

By ,

Reyes, Yap mabagsik vs Indonesia para sa FCVBA

Sharing is caring!

Hat Yai, Thailand – Pinayuko ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) ang kanilang kalaban sa 60-and-above at 65-and-above divisions sa pagbubukas ng 27th ASEAN Basketball Veterans Tournament noong Lunes sa Prince Songkla University.

Nanguna para sa 60s sina dating PBA player Elmer Reyes at dating La Salle standout Kenneth Yap para sa FCVBA para lampasuhin ang Indonesia, 60-40, sa unang laban nito.

Sa 65’s naman, sinandalan ng tropa ang magandang laro na pinakita ng 72-year old Zotico Tan para pauwiin ang Bangkok, 42-31.

Umalagwa si Reyes na tumapos ng 12 puntos, sa likod ng isang tres para tulungan ang FCVBA para dominahin ang Indonesians sa halftime, 36-23.

Hindi nakabawi ang Indonesians at nagpatuloy ang pagsabog ng FCVBA sa tulong ng kanilang magandang transition plays.

Ginamit naman ng 6-foot-4 na si Yap para dominahin ang paint kaya pumoste ito ng 11 puntos at 10 rebounds at naging malaking tulong din sina Aries Franco, Danny Ching, Elmer Latonio, Andrew Ongtenco at Danny Co.

Naguna sa 65’s si Tan na may 14 puntos at may suporta mula kina dating Crispa player na si Bong dela Cruz, Achit Kaw, Conrad Siy at James Chua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?