33

Jan 18, 2021 @ 22:04
By

Reyes sasargo sa Jan 23

Planong ipa-hunting sa mga awtoridad ni Efren ‘Bata’ Reyes at kanyang pamilya ang nagpakalat ng fake news sa social media nitong Sabado na patay na ang pool legend.

Nakatakdang lumaro pa ang 66-year-old, 5-foot-9 cue artist katambal si Ronato ‘Ronnie’ Alcano kalaban ang kumpareng si Francisco ‘Django’ Bustamante na kakampi si Carlo Biado sa Sharks 10-Ball Showdown, race-to-25 Scotch doubles.

Ssusulong ang tumbukan sa January 23 at ieere sa Sharks FB page simula sa alas-3:00 nang hapon. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?