8

Sep 27, 2020 @ 22:11
By

Reyes overall champ sa Lents taekwondo

Tinanghal ang naging under 30 male gold medalist na si Rodolfo Reyes Jr. bilang overall men’s champion sa wakas nitong Linggo ng 2020 Lents Taekwondo Worldwide Online Poomsae Open.

Dinomina ni Reyes sa paboritong piyesa na pyongwon ang walong iba pang kampeon sa special overall champion competition sa nilikom na 7.400 points.

Ikalawa si Ho Chul Ji na under 40 male gold winner at ikatlo si Shung Hwan Shin na junior male titlist na kapwa mula South Korea.

Nanalo muna ang dating Unuiversity Athletic Association of the Philippines (UAAP) standout buhat sa University of Santo Tomas ng tig-isang gold at silver at dalawang bronze sa pagbibida sa national team sa nitong isang linggo sa recognized poomsae event na ng taekwondo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?