17

By

Reyes kuntento sa improvement ng Gilas

Sharing is caring!

Masaya si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa improvement ng koponan isang araw bago ang laban kontra Chinese Taipei sa third window ng 2019 FIBA Asian Cup Qualifiers.

Sa panayam ng ESPN5 kay Reyes, nabanggit nito na marami pa silang bagay na kailangang trabahuhin pero masaya naman siya sa magandang pinapakita ng kanyang tropa para sa laban nito bukas, Biyernes, Hunyo 29.

Aminado naman si Reyes na hindi pa gaano kaganda ang kanilang opensa at kanilangan nilang ipolido ito para mabawasan ang mga mali na maari nilang magawa oras na nakaharap na nila ang Chinese Taipei.

“I like what I saw in scrimmages. If there’s one thing we’re worried about, for me, there’s a little too much turnovers. But again it can attributed to the fact that they haven’t playing for the long time together,” ani Reyes.

Dagdag nito, hindi pa nila iniisip ang Australia dahil mas tuon ang pansin nila sa laro kontra Chinese Taipei.

Matatandaan na natalo ng Gilas ang Chinese Taipei sa first round ng qualifiers, 90-83, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?