15

Nov 25, 2021 @ 16:30
By

Rex tutol sa same-sex marriage, divorce, abortion

Hindi pabor si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa same-sex marriage, divorce at abortion.

Aniya, ang mga nabanggit ay sumasalungat sa kaugalian ng mga Pilipino.

“There is a separation of church and state but the country is predominantly Christian and we have to keep ourselves into with the realities on the ground also. So, me categorically—this country is not ready for that. Our values are not yet in sync with that,” lahad ni Gatchalian sa Inquirer report nang tanungin tungkol sa same-sex marriage at abortion.

“So, ako, I’m not in favor of it because I don’t think that it fits the values of the community. I don’t think it fits the values of the nation as a whole. Parang wala pa tayo doon sa mindset na ‘yun or sa kultura na ‘yun,” patuloy niya.

Gayundin din aniya sa diborsiyo.

“I’m not in favor of divorce because these are values that are not astute or in sync with the local constituency or the local communities’ desires and wants,” paliwanag pa niya.

Si Gatchalian ay tumatakbo sa pagka-kongresista sa 2022 elections. (IS)

Si Gatchalian ay tumatakbo sa pagka-kongresista sa 2022 elections. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?