39

By

Rex Gatchalian lubos ang pasasalamat sa tiwala ng Valenzuelanos

Hindi alam ni Mayor Rexlon Gatchalian kung paano pasasalamatan ang lahat ng mga bumoto at nagtiwala sa kaniya kundi sa pamamagitan ng pagsiguro sa tuloy-tuloy na pag-asenso ng Valenzuela.

Sa kaniyang social media account, sinabi ni Gatchalian na sobra siyang overwhelmed matapos makakuha ng 250,000 votes.

“Valenzuelanos, Maraming Salamat po sa inyong muling pagtitiwala! Overwhelmed by your trust and confidence, close to 250,000 votes and close to 97 percent of voter turnout giving me their vote, i do not know how to thank all of you except to make sure na Tuloy Tuloy ang Asenso!” aniya.

Bukas aniya ay magsisimula na siyang magtrabaho para sa paghahanda sa pagbubukas ng klase at pamamahagi ng school supplies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?