121

Oct 17, 2017 @ 17:00

Reward sa nakapatay kina Hapilon, Maute — Abra solon

Inirekomenda ni Abra Rep. JB Bernos sa gobyerno na tulungan ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakapatay kina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Base sa report, may alok na P10 milyong reward ang gobyerno para kay Hapilon, bukod pa sa US$5 milyong pabuya ng Estados Unidos at hiwalay pang P5 milyon para sa Maute brothers.

Ayon kay Bernos, dapat namang mabahaginan ang mga sundalo sa patong sa ulo nina Hapilon at Maute, tutal naman aniya’y sila ang nakatunton at nakapatay sa dalawang lider ng teroristang grupo.

“It is only proper that our soldiers also become entitled to the bounties for these terrorists. After all, it was them who put their lives on the line to track and neutralized Hapilon and Maute,” sabi ni Bernos.

Itinuturing ng kongresista na panibagong kabanata sa Marawi City ang pagkamatay nina Hapilon at Maute na dapat aniyang maging hudyat ng kapayapaan. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?