205

Oct 16, 2017 @ 14:07

Revolutionary government, shortcut sa federalism? – Sotto

Nagpahiwatig si Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III na maaaring gamitin bilang shortcut sa pagsusulong ng federalismo ang revolutionary government.

“It (revolutionary government) could be used as a shortcut to federalism if the country will agree,” saad ni Sotto.

Ipinaliwanag ni Sotto na posibleng may mga impormasyong natatanggap si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman ipinaaalam sa publiko.

Ito aniya ang maaaring dahilan kaya’t naiisip ng Pangulo na magpatupad ng mga hakbangin upang matiyak na hindi maaapektuhan ang katatagan ng bansa.

“He (Duterte) probably feels the country’s stability could be in jeopardy that’s why he is thinking of ways to protect it just in case,” dagdag ni Sotto.

Gayunman, sa ngayon aniya ay ideya pa lamang naman ang sinasabi ng Pangulo kaya’t walang rason upang mabahala ang lahat.

Una nang nagbabala si Pangulong Duterte na magpapatupad ng revolutionary government sa gitna ng mga isyu ng destabilisasyon. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?