125

Oct 15, 2017 @ 13:45

‘Revolutionary government’ ni Duterte, panakot at diversionary tactic lang – Trillanes

Itinuturing ni Senator Antonio Trillanes IV na panakot sa oposisyon ang pagbabanta ni Pangulong Duterte na magdedeklara ito ng revolutionary government kapag hindi tumigil ang nagbabanta ng destabilisasyon.

Ayon kay Trillanes, gusto lang ng Pangulo na tumahimik ang mga bumabanat dito.

Gusto rin umanong takpan ng pangulo ang mga akusasyon dito gaya ng pagtatago ng limpak limpak na salapi.

“I firmly believe that Duterte’s latest threat to establish a revolutionary government is not only to intimidate those opposing his administration but also to divert the attention from the various controversies his family is involved in,” ayon kay Trillanes.

Sinabi pa ni Trillanes na paraan ito ng Pangulo para mapagtakpan ang mga kasalanan nna ayaw nitong panagutan.

 “It is also his only way to escape accountability for his crimes  by perpetuating himself in power,” dagdag ni Trillanes. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?