67

Oct 15, 2017 @ 17:04

Revolutionary government, balatkayong Martial Law — Zarate

Dapat umanong seryosohin ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuo ng revolutionary government.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ito ay walang iba kundi balatkayo ng martial law.

Sinabi ni Zarate na matagal nang kinokondisyon ng Pangulo ang publiko sa mapaniil na pamumuno at patunay dito ang pagtatalaga ng sangkaterbang dating opisyal ng militar sa maraming posisyon sa gobyerno.

“Placing the country in this elite-supported and junta-like rule is a clear manifestation of President Duterte’s dictatorial fantasies of becoming the next Marcos,” sabi ni Zarate.

Dagdag pa ng kongresista, mismong si Duterte rin ang nagpapabagsak sa kanyang administrasyon.

“Truth to tell, the ones destabilizing the present administration is President Duterte himself, his militarists advisers and fascist state forces, and, his neo-liberal economic managers,” ayon sa kongresista.

Ganito rin ang pananaw ni Akbayan Rep. Tom Villarin na nagsabing ginagawa ng Pangulo ang lahat ng pananakot para bigyang-katuwiran ang naising palawigin ang martial law sa buong bansa.

Hindi na raw magtataka si Villarin kung pati ang transport strike bukas ay ituring nitong bahagi ng umano’y destabilisasyon.

“The massive transportation strike on Monday as well as other legitimate forms of dissent will be branded as destabilization moves thus justifying the expansive use of martial law powers by the President,” sabi ni Villarin.

Giit ng mambabatas, bagama’t alam ng Pangulo na walang basehan sa Konstitusyon ang revolutionary government, pinalalabas nito na ang kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng bansa. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?