376

Dec 9, 2017 @ 13:32
By

‘Revolution’ ng JaDine sa Big Dome

Natuwa ang fans nina James Reid at Nadine Lustre sa announcement na magkakaroon ng major concert sa susunod na taon ang loveteam na sinusuportahan nila.

“Revolution” ang pamagat ng concert ng JaDine sa Smart Araneta Coliseum sa February 9, 2018.

Ang Viva Live ang producer ng pre-Valentine concert nina James at Nadine.

Bahagi ng real-life love story nina James at Nadine ang Smart Araneta Coliseum dahil dito unang inamin ng aktor sa publiko ang relasyon nila.

Ang Smart Araneta Coliseum ang venue ng blockbuster concert na “JaDine In Love” noong February 20, 2016 at pagkalipas ng dalawang taon, muli silang magbabalik sa Big Dome sa pamamagitan ng kanilang “Revolution” concert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?