withholding tax

Revised withholding tax table, inilabas na ng BIR para sa TRAIN

Sharing is caring!

Naglabas ng bagong withholding tax table ang Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang tugon sa tax reform law ng gobyerno.

Sa ilalim kasi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, hindi na papatawan ng buwis ang mga kumikita na mababa sa P20,833 kada buwan o P200,000 kada taon.

Gayunpaman, may apat na paraan ng pagpapasuweldo ng employers: may arawan, may lingguhan, at ang kada kalahating buwan o kada ika-15 at ika-30.

Kaya’t para sa hindi libre sa buwis sa kanilang income, halimbawa na kumikita ito ng P25K kada buwan, P3,333 na buwis kada cut-off ang ibabawas sa suweldo nito sa ika-15 at ika-30, ayon sa UNTV.

Nilinaw naman ng BIR na ang lumang batas sa pagbubuwis ang siya pa ring pagbabasehan sa pagpa-file ng income tax return sa Abril 15.

Kaugnay nito, naka-upload na sa website ng ahensiya ang nirebisang tax table sa bir.gov.ph.

Nakatakda na rin sa Enero 11-12 ang public consultations para maipaliwanag ang bagong batas na ito sa taxpayers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?