17
bong-revilla
By

Revilla, pinayagang mag-abroad ng Sandiganbayan

Sharing is caring!

Pinahintulutan ng Sandiganbayan si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na makabiyahe sa ibang bansa matapos itong mapawalang-sala sa kasong plunder.

Tinanggal na ng First Division ang hold departure order na inisyu laban sa dating mambabatas.

Nakulong si Revilla sa Police Custodial Center sa Camp Crame noong 2014 matapos akusahang tumanggap ng kickbacks mula sa pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles kapalit ng paglilipat ng kanyang pondo sa bogus non-government organizations.

Dalawa sa kapwa akusado nito na sina Napoles at Richard Cambe ay napatunayan namang guilty ng anti-graft court sa mahigit P10-billion scam.

Ipinag-utos din ng korte ang pananatili ni Cambe sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City habang pinalilipat si Napoles sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City mula sa Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?