16

By

Revilla pauwi na matapos ang lampas 4 taon

Sharing is caring!

Pormal nang nakalaya si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla matapos lisanin ang Philippine National Police Custodial Center nitong Biyernes ng gabi.

Matapos mahatulan ng not guilty si Revilla sa kasong plunder at makapagpiyansa ng P480,000 para naman sa kasong graft kaugnay ng pork barrel scam, makauuwi na sa kanyang bahay sa Cavite ang dating mambabatas.

“After four years and almost six months, finally, makakalabas na rin ako. Lumabas na yung katotohanan,” saad ni Revilla sa mga reporter.

“Nagpapasalamat ako at may hustisya pa rin sa ating bansa, nagpapasalamat sa mga kababayan, sa mga patuloy na nagdarasal (para) sa ‘kin,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?