20

Jul 1, 2020 @ 15:45
By

Revilla: Lilinisin ko pangalan ko

Nangkako si Senador Bong Revilla sa kanyang yumaong tatay na pasisinungalingan niya ang mga paratang laban sa kanya.

“To you, daddy, naalala ko noong huli kang pumunta dito sa Senado, you were here to support me sa mga pagsubok na hinaharap ko during that time. Daddy, as I have told you, babangon ako. Lilinisin ko ang aking pangalan. I will prove to them na mali sila,” wika ng senador sa necrological service ng tatay na si dating Senador Ramon Revilla Sr.

“To you, daddy, salamat sa lahat. Hindi ko mararating ang kinalalagyan ko kung hindi dahil sa iyo. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon ulit na pumili ng ama, ikaw pa rin ang pipiliin ko maging daddy.”

“Mahal kita, daddy. Mahal ka namin, You are our hero, kaming magkakapatid, you are my hero daddy. I love you,” aniya pa.

Bagaman hindi sinaad, malamang ay tinutukoy ni Revilla ang kanyang umano’y pagkakasangkot sa P10-billion pork barrel scam.

Akusado ang senador sa paglalaan ng P224 million ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa bogus non-government organizations ng umano’y mastermind ng scam na si Janet Lim-Napoles.

Nasangkot din sa anomalya sina dating senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?