37

By

Revilla lalaban kontra fake news

Target ni Senador Bong Revilla na pamunuan ang Senate public information and mass media committee kung saan prayoridad niya na magpasa ng panukala para mapuksa ang fake news.

Suportado niya ang Senate Bill No. 9 ni Senate President Vicente Sotto III, na siyang magpaparusa sa paggawa at pagsapubliko ng maling impormasyon na magbibigay din ng kapangyarihan sa Department of Justice na ipatanggal ito.

Ani Revilla, panahon na umano para magtatag ng sistema ng “responsibility and accountability” sa new media gaya ng social media.

Dagdag pa niya, ang pagpapakalat ng fake news ay hindi lang banta sa political stability kundi maging sa kapakanan ng publiko at national security.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Senadora Grace Poe ang naturang komite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?