61

By

Review ng UNHRC sa EJK, tanggapin na lang – Gordon

Hindi umano dapat kumalas ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) matapos paboran ng 18 sa 47 miyembro ng konseho ang resolusyon na mag-iimbestiga sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.

“I don’t think we should withdraw. I think it’s right that we should stay there,” pahayag ni Gordon sa panayam sa programa Headstart sa ANC.

Sa halip aniya na kumalas, mas mainam na tanggapin na lang ang resulta ng kanilang pananaliksik subalit kailangan ipakita ng gobyerno sa kanila ang istatistika sa human rights kabilang ang mga namatay sa war on drugs on pamahalaan.

“We accept your findings, some of them, but this is our own statistics and we will do something about this,” sabi ni Gordon.

Hindi rin umano dapat putulin ng Pilipinas ang ugnayan sa Iceland na nanguna sa resolusyon na paimbestigahan ang war on drugs.

“I don’t think we should cut ties with Iceland. We don’t have trade with them but nonetheless they are part of the international community of nations,” ayon sa senador.

Sabi ni Gordon, bagama’t maraming namatay sa war on drugs on pamahalaan dapat ipakita ng Pilipinas sa international community na may ginagawang hakbang para dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?