5
ABANTE revgov radar duterte
By

RevGov malayo sa radar ni Duterte – Palasyo

Sharing is caring!

Pinanindigan ng Malacanang ang malabnaw na posisyon sa isyu ng revolutionary government kaya’t walang dahilan para mangamba ang publiko.

Inihayag ito ng Palasyo sa harap ng survey ng Social Weather Stations (SWS) noong December 8-16 2017 na mayorya ng mga Pilipino ang tutol sa revolutionary government.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niya ang revolutionary government.

Pero hindi aniya nito pipigilan ang mamamayan na maghayag ng kanilang suporta sa isyu.

Batay sa SWS survey, 39% ng mga respondents ay tutol sa revolutionary government, 31% ang sang-ayon at 30% ang undecided.

Binigyang-diin ni Roque na paulit-ulit ang pahayag ni Pangulong Duterte na magdedeklara lamang ito ng revolutionary government kapag naghihingalo na ang bansa.

“The President has said that he does not want a revolutionary government, but this does not mean he would prevent citizens from expressing their support to the revolutionary government.The President has time and again said he mentioned the revolutionary government only on the context of “kapag naghihingalo na ang republika,” ani Roque.

Lumutang ang isyu ng revolutionary government noong nakalipas na taon dahil na rin sa ugong-ugong na planong destabilisasyon para umano patalsikin sa puwesto si Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?