46

By

Revenue clerk patay sa pamamaril sa Isabela

Patay ang isang 42-anyos na municipal employee ng Mallig, Isabela matapos barilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo habang naglalakad ito pauwi dakong alas-8:30 ng gabi nitong Sabado (July 13), saad ng kapulisan.

Inatake si Manny Asprec, 42-anyos, revenue collection clerk at kamag-anak ng dating mayor na si Pedro Flores sa Barangay San Jose Norte 1.

Dineklarang dead on arrival si Asprec dahil sa tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo at torso nang dalahin ito sa Manuel Roxas District Hospital.

Samantala hindi pa nababatid ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?