34

‘Rev-gov’ ni Duterte, walang basehan – Aquino

Sharing is caring!

Wala diumanong basehan si Pangulong Rodrigo Duterte para magdeklara ng revolutionary government dahil epektibo pa rin naman ang kasalukuyang Konstitusyon, ayon kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

“Napakalakas ng executive at pinadadama kung gaano kalakas ang executive so kung yung revolutionary government talagang yung buong sistema ay nag-fail na hindi magawa ang dapat gawin yun baka pwede pag isipan, ngayon hindi ko nakikita yun,” pahayag ni Aquino sa panayam ng mga reporters matapos ang misa sa Manila Memorial Park para sa 85 kaarawan ng kanyang amang si Benigno Aquino Jr.

“May pangangailangan ba? Talaga bang hindi na madaan sa mga prosesong nakasaad sa ating saligang batas?” dagdag nito.

Sabi pa ni Aquino, maaring makibahagi siya sa pagkontra sa panukalang revolutionary government subalit hindi umano niya pangungunahan ito.

“I will be taking part also but not in a central role,” sabi pa ng dating Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }