321

By

Reunion sana! Kawhi sinira ang diskarte ng Lakers kay Russell

Makakabuo sana ng ‘Big Three’ ang Los Angeles Lakers sa katauhan nina LeBron James, Anthony Davis, at dati nilang manlalarong si D’Angelo Russell.

Ngunit napurnada ito dahil sa ilang mga desisyon ng iba’t ibang NBA player.

Ayon sa report ng Slater, handang mag-offer ang Lakers ng four-year, $100M para kay Russell na dati nang naglaro para sa kanila.

Ngunit naging komplikado ang sitwasyon nang hindi kaagad magdesisyon si Kawhi Leonard kung saan pipirma, na dating niligawan ng Lakers.

Dito na umentra ang Golden State Warriors.

Nang magdesisyon si Kevin Durant na lumipat sa Brooklyn Nets, kinailangan din nilang kumbinsihin si Russell na mag-sign muna sa Nets para maikasa ang sign-and-trade situation.

Para mapapayag, nangako ng $117M contract ang GSW, na kaagad sinunggaban ni Russell.

Ngunit ngayon ay tila magulo ang future ni Russell sa koponan, lugmok ngayon ang GSW sa kartadang 5-20 dahil na rin sa injured stars na sina Steph Curry at Klay Thompson na hindi makasalang sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?