liam

Reunion ng One Direction, kinumpirma ni Liam Payne

Sharing is caring!

Tila nagbigay na ng pahiwatig si Liam Payne hinggil sa sinasabing pagsasamang muli ng One Direction members.

Sina Niall Horan, Liam Payne, Louis Tomlinson, Harry Styles at Zayn Malik ay nabuo dahil sa X Factor noong 2010.

Hindi nanalo ang mga ito sa naturang show pero ang tagumpay ng One Direction ang naging daan para mabigyan ng pagkilala ang X Factor.

Nabuwag ang grupo noong 2015 matapos layasan ni Zayn ang grupo.

At ngayon nga usap-usapan ang reunion ng One Direction dahil sa naging sagot sa panayam ni Liam.

“I think it will happen at some point in the future,” aniya sa isang interbiyu.

Ibinunyag pa nito na pinag-uusapan na nga ng kanilang grupo ang pagbabalik.

“We’ve all spoken bout it,” aniya. “The dream for this most fantastic show that could be is amazing!”

Sa ngayon, may kanya-kanyang solo music ang limang orihinal na miyembro nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?