110

By

Reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez, kasado na!

Sharing is caring!

Tuloy na ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez. After fifteen years, muling masisilayan ng mga tagahanga ng dalawa ang kanilang iniidolo sa big screen.

Ang movie (wala pang titulo) ay ididirek ng box-office director na si Cathy Garcia- Molina at ipoprodyus ng Star Cinema. Makakasama rin sa pelikula ang favorite leading lady ni Daniel Padilla na si Kathlyn Bernardo.

Ginanap kaninang hapon ang storycon ng movie sa office ng Star Cinema.

Huling nagkasama sina Shawie at Goma sa pelikulang “Walang Kapalit” sa ilalim ng Viva Films at direksyon ni Joel Lamangan nu’ng 2003.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?