1,718

Dec 9, 2021 @ 19:51
By

‘Retoke’ ni Kim Chiu binuking ni Vice

Nagulantang si Kim Chiu sa hirit ni Vice Ganda sa kanya.

Sa “It’s Showtime”, tinanong ni Vhong Navarro si Vice kung anong parte ni Kim ang gusto nitong kunin.

Ani Vice, kukunin daw niya ang kaliwang mata ni Kim habang kukunin ang kanang mata ni Ryan Bang dahil may pagkakapareho ang dalawa.

Pero nang tumanggi si Kim na pareho sila ng mata ni Ryan at ipinagmalaki ang talukap ng kanyang mata, ibinisto ni Vice na pinagawa lang ito ng aktres.

“Parang hindi. Parang mas may talukap ako kesa sa kanya,” ani Kim.

“Kasi nagpagawa ka,” buwelta ni Vice, na kinahalakhak ng aktres.

“Hindi ko naman sinasadyang makita ko ‘yung record mo sa Belo,” hirit pa ni Vice.

“Uy, baka maniwala sila,” ani Kim.

“Hindi?! Nasaan ‘yung picture sa PBB dati?” sundot uli ni Vice kay Kim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?