418

Oct 17, 2017 @ 16:45

‘Retokadang’ mukha ni Arci Muñoz type na type ni Eric Quizon

PINURI at sinabihang maganda ni Eric Quizon si Arci Muñoz nu’ng magkasama ang dalawa sa nakaraang PMAP o Philippine Models Association of the Philippines grand reunion.

Kinontra ni Eric ang mga nanlalait kay Arci at nagsasabing pumangit ang aktres matapos itong magparetoke uli ng kanyang mukha. Kumalat ang kakatuwang larawan ni Arci sa social media na kuha sa isang stage live show kung saan siya nag-perform.

Naging isyu ang larawang ito at sinabi ng maraming sinira raw ni Arci ang dati niyang magandang mukha. Pero sa posting ni Eric, hinangaan niya ang ganda ni Arci nu’ng magkasama sila sa nasabing event.

Sa Instagram wall ng nasabing actor-director, pinoste niya ang larawan nilang dalawa ng Kapamilya star. Naka-black gown ang aktres at pulang-pulang lipstick.

“Partied with the @ramonathornes (tunay na pangalan ni Arci) at the PMAP ball. She was looking lovely and radiant. Her equally stunning sister @lavidalouca is a member of PMAP.”

May pruweba naman si Eric sa papuri niya kay Arci dahil lutang na lutang ang ganda nito na malayo sa ikinalat na viral photo niya. (REY PUMALOY)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?