50

Mar 12, 2020 @ 18:45

Retirement ni Carter napaaga

Kung hindi na itutuloy ang mga laro sa season, kahapon na ang katapusan ng 22-year playing career ni Atlanta Hawks guard Vince Carter.

Ini-host ng Atlanta ang New York Knicks sa State Farm Arena, kasagsagan na ng laro nang makarating sa kanila ang balitang sinuspinde ng NBA ang nalalabi pang mga laro matapos mag-positibo sa coronavirus si Utah Jazz center Rudy Gobert.

Kaya kung sakaling huling laro na nga ‘yun, ipinasok ng Hawks si Carter 19.5 seconds na lang sa overtime at halos sigurado na ang panalo ng Knicks.

Bumitaw ng open 3 si Carter at pumasok – alam ng Knicks ang senaryo, pinabayaan na siyang tumira. Nag-celebrate si Carter at teammates pagkatapos ng posibleng final shot na ng kanyang career.

“A weird, but cool memory,” bulalas ni Carter, tumapos ng 5 points at may isang rebound sa loob ng 13 minutes.

Sa likod ng 33 points at 11 rebounds ni Julius Randle ay kinubra ng New York ang 136-131 panalo.

Nabigong isalba ng 42 points at 11 assists ni Trae Young ang Hawks. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?