56
retirement-benefits
By

Retirement benefits para sa OFWs, itinutulak sa Kamara

Sharing is caring!

Tinatrabaho na ng House committee on overseas workers affairs ang tatlong panukalang batas na naglalayong paglaanan ng retirement benefits at welfare assistance ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ito’y ang House Bill 3746 na iniakda ni 1-SAGIP partylist Rep. Rodante Marcoleta na naglalayong lumikha ng Overseas Filipino Workers Social Security and Retirement System; House Bill 547 ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano na naglalayong lumikha ng Overseas Filipino Workers Pension Fund at ang House Bill 7228 ni Quezon City Rep. Winston Castelo na naglalayong bigyang proteksyon ang OFW dependents sa pamamagitan ng pagtatatag ng special pension fund.

Sa ilalim ng panukala ni Marcoleta, ang lahat ng OFWs na rehistrado sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ay kailangang mag-remit ng 5 porsiyento ng kanilang buwanang sahod sa loob ng 10 taon.

Binanggit ng kongresista na sa ngayon ay limitado ang pension benefits ng Social Security System (SSS) program para sa mga OFW na mapapakinabangan pagsapit pa ng edad na 60-anyos.

“It is unthinkable for them to wait until the age of 60 to receive their pension benefits under the SSS program,” sabi ni Marcoleta.

Sa ilalim naman ng HB 5470, ang lahat ng OFWs na rehistrado sa POEA at sa Commission on Filipino Overseas (CPO) ay magre-remit ng limang porsiyento ng buwanang sahod sa Overseas Filipino Workers Pension Fund sa loob ng 5 taon.

Ayon kay Alejano, sa pamamagitan ng pondong ito mabibigyan ang OFWs at kanilang mga pamilya ng tiyak na kapital para makapgsimula ulit sakaling magkaroon ng problema sa kanilang trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?