52

By

Retired SC Justice Romero, pumanaw na

Sharing is caring!

Pumanaw na si retired Supreme Court (SC) Justice Flerida Ruth Romero sa edad na 88.

Sa Twitter account ng SC Public Information Office, si Romero ay binawian ng buhay ngayong araw na ito.

Hindi na nagbigay ng detalye ang Korte Suprema kaugnay sa detalye ng pagpanaw ni Romero.

Si Romero ay isinilang noong Agosto 1, 1929 sa Tondo, Maynila at nagsilbi sa Kataas-taasang Hukuman ng halos walong taon sa ilalim ng administrasyon nina dating Pangulong Cory Aquino, Fidel Ramos at Joseph Estrada.

Oktubre 21, 1991 nang magsimula siyang manungkulan sa Korte Suprema hanggang Agosto 1, 1999 nang sapitin niya ang mandatory retirement age na 70 para sa mga hukom at mahistrado.

Nagtapos si Romero ng abogasya sa University of the Philippines noong 1952 at kumuha ng masters of laws sa Indiana University Maurer School of Law noong 1955.

Nagsilbi siyang direktor at dekano ng UP School of Labor and Industrial Relations mula 1962 hanggang 1963 at naging direktor ng UP Law Center at secretary-general ng 1986 Constitutional Commission.

Hinirang din siya bilang special assistant to the president sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?