125

Dec 26, 2017 @ 21:14

Retired SC Associate Justice Justo Torres pumanaw na

Sumakabilang-buhay na si retired Supreme Court (SC) Associate Justice Justo P. Torres Jr. sa edad na 90, ayon sa SC Public Information Office (PIO).

Si Torres ay itinalaga ni dating Pangulong Fidel Ramos sa KORTE Suprema noong Marso 11, 1996. Nagretiro ito noong Nobyembre 1, 1997 matapos maabot ang retirement aged na 70.

Bago ang kanyang appointment sa SC, si Torres ay nagsilbing Associate Justice of the Court of Appeals.

Naging Philippine Judicial Academy Vice Chancellor din ito bago matapos niyang magretiro sa sa Korte Suprema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?