113

Dec 29, 2017 @ 16:44
By

Retired AFP personnel, tiklo sa bitbit na 7 baril

Isang retired enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippine at ngayon ay security agency executive ang inaresto sa pagta-transport ng mga iligal na baril.

Kinilala ang naarestong suspek na si Felix Alcarde, 64-anyos, retired AFP enlisted personnel, and Human Resources manager ng Onerca Security and Investigation Agency na matatagpuan sa North Fairview, at residente ng Room 9 Alper Building, San Roque, Cubao.

Siya ay naaresto , dakong alas- 11:06 ng umaga (Dec. 28, 2017), sa bus terminal sa New York corner Annapolis St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Ayon sa pahayag ni Police Superintendent Louise Benjie Tremor, hepe ng Cubao Police Station 7, ininspeksiyon ng kanyang mga tauhan ang mga dalang kontrabando at luggage ni Alcarde bilang parte ng procedure bago pasakayin sa bus ang mga pasahero at doon ay nakita ang mga dalang baril ng suspek.

Nang hanapan si Alcarde ng mga dokumento sa mga dalang baril ay wala itong naipakitang permit o lisensiya o otoridad para i-transport ang mga natagpuang armas sa kanyang dalang luggage.

Dahil dito ay kinumpiska ng mga awtoridad ang apat na shotguns at tatlong revolvers, habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa nasabing security executive. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?