95

Dec 27, 2017 @ 15:37
By

Retiradong pulis, kinasuhan sa hindi paghahain ng 2010 SALN

Nahaharap sa kasong kriminal sa Sandiganbayan si retired Senior Superintendent Ernesto Reyes Jr. dahil sa kabiguang maghain ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) noong 2010.

Kinasuhan si Reyes ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Dating nakatalaga ang opisyal sa headquarters ng Police Regional Office 11 sa Camp Quintin Merecido sa Davao City.

Sa certification na ipinalabas noong February 2012 ni Superintendent Aniceto Partosa Jr., ng PNP Directorate for Personnel and Records Management, napatunayang walang SALN at Disclosure of Business and Financial Interests para sa 2010 si Reyes.

Inirekomenda naman ng Ombudsman ang piyansang P10,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Sa ilalim ng batas, obligado ang lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno na maghain ng SALN taon-taon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?