arrested
By

Retiradong pulis huli sa gun ban

Sharing is caring!

Nadakip ang isang retiradong pulis matapos ireklamo nang panunutok ng baril sa traffic constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at paglabag sa Comelec gun ban sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar ang naarestong si Robertson Cruz Estrella, 63-anyos, retired Police Officer 1 (PO1) at residente ng No.53 Siling Bata, Pandi, Bulacan.

Ayon sa ulat ng Batasan Police Station 6 sa pamumuno ni Supt.Rossel Cejas dakong alas-6:25 ng gabi nitong nakalipas na Lunes, ang suspek ay kabilang sa pasahero ng UV Express na minamaneho ni Melchor Tanalgo.

Pagdating sa Commowealth Avenue, Brgy. Batasan Hills sa harap ng Commission on Audit (COA) Bldg. ay hinarang ng traffic constables ng MMDA na sina Christopher Bangalisan at Wilson Balceta ang driver ng UV Express dahil sa paglabag sa batas-trapiko.

Subalit nakialam si Estrella nang sitahin ang driver ng sinasakyang UV Express at nakipagtalo, bumunot ng baril saka tinutukan ang mga traffic constables ng MMDA.

Dahil dito ay agad na humingi ng police assistance ang dalawang traffic constables sa Batasan Police station at naaresto ang nasabing retiradong pulis.

Nakumpiska mula kay Estrella ang isang Armscor caliber .45 pistol at 13 bala matapos na wala itong maipakitang exemption papers mula sa Comelec gunban.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) in relation to Omnibus Election Code ang nasabing retiradong pulis. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?