40

By

Retiradong opisyal ng militar, ‘di isasantabi ni Duterte

Sharing is caring!

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi masasayang ang abilidad ng isang retiradong kawal at kawani ng gobyerno na ang disiplina ay nagmula sa pagtupad sa utos ng nakatataas.

Sa ginanap na National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) briefing sa Lanao del Norte, sinabi ng Pangulo na huwag ikasama ng loob ninuman ang kanyang pagtatalaga ng mga retiradong opisyales ng military sa gobyerno sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Kabilang na dito sina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson Jose Jorge Corpuz at General Manager Alexander Balutan na maituturing na mga retiradong opisyal ng gobyerno.

Matatandaan na maingay ngayon ang posibleng pagsibak kay GM Balutan dahil sa kontrobersyal na maluhong Christmas Party ngunit dahil sa sinabi ni Pangulong Duterte ay naging panatag ang dating kawal ng pamahalaan.

Binanggit ng Pangulo na binibilang niya ang pagsunod sa kanyang mga utos “cada hora” (by the hour). Bukod pa rito, sinabi rin niyang “structural” ang training ng mga sundalo kaya tuwing nagbibigay siya ng utos sa mga ito, kaagad silang sumusunod kahit na hatinggabi.

Ito rin daw ang dahilan kaya higit sa kalahati ng mga miyembro ng kasalukuyang gabinete ay mga retiradong opisyales ng militar. Nanindigan ang Pangulo na ang pagpili niya ng mga tao ay base na rin sa kanilang kakayahang maglingkod sa gobyerno at kanyang maaasahan sa anumang oras. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }