20

Apr 1, 2020 @ 12:53
By

Retailers inutusan ng DTI na tulungan ang mga senior citizens sa pamimili

Nag-isyu ng kautusan ang Department of Trade and Industry para bigyan ng prayoridad ang mga senior citizens sa namimili ng basic necessities sa retail stores at iba pang mga tindahan.

Ayon sa DTI, nilagdaan ang Memorandum Circular No. 20-09 kung saan kinilala nito na may mga senior citizens na walang kasama na kailangang bumili ng kanilang mga pangangailangan na mag isa.

Sabi ng DTI, inaatasan ng MC No. 20-09 ang mga retail stores na tulungan ang mga senior citizens para mabilis silang makabili at makauwi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?