24

Nov 23, 2021 @ 16:14
By

Resupply mission sa Ayungin Shoal tagumpay – Palasyo

‘Di gaya ng nangyari noong nakaraang linggo, maayos na nakapagdala ng supply sa mga sundalong nasa Ayungin Shoal ang mga bangka ng Pilipinas.

“Dumating na ang resupply boats sa Ayungin Shoal at nakarating na sa BRP Sierra Madre (navy ship) ngayong tanghali,” ani acting Presidential spokesman Karlo Nograles ngayong Martes.

Matatandaang noong nakaraang Martes ay binomba ng water cannon ng ilang Chinese vessel ang dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala ng supply sa Ayungin Shoal, na nakapaloob pa sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Binatikos na rin ni Presidente Rodrigo Duterte ang naturang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?