42
views

By

Resumes, ‘di mandatory sa barangay, SK election candidates – Comelec

Sharing is caring!

Ngayong umarangkada na ang pagsasampa ng certificate of candidacy (COC), may paalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kakandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi naman ‘mandatory’ sa mga kakandidato na ilakip sa kanilang COCs ang kanilang resumes.

Hindi rin aniya dapat pang isama sa COCs ang ‘plataporma de gobyerno’ o ang mga balakin sa paglilingkod ng mga kandidato.

Ang importante, ayon pa kay Guanzon, ay hindi miyembro ng anumang partido politikal ang mga kandidato.

Una nang sinabi ng opisyal na handang-handa na sila sa halalan sa darating na Mayo 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?