3,982

Mar 24, 2020 @ 14:28

Resulta ng testing sa gamot para sa COVID19 ilalabas na sa US

NEW YORK – Nakaabang na ang mga doktor sa resulta ng testing sa gamot na Hydroxychloroquine o Chloroquine.

Ito ay kasunod ng testing na ginawa ng ilang scientists sa New York sa ilang pasyente na nasa malubhang kalagayan dahil sa COVID19.

Sa imbestigasyon ng mga scientists 26 ng 29 na genes ng coronavirus ay gumagawa ng viral proteins na siyang kumokuntamina sa host cell sa katawan ng tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?