45

Dec 24, 2017 @ 14:40
By

Resulta ng martial law survey, dapat pakinggan – Alejano

Hindi na ikinagulat ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan lumabas na 62 percent ng mga Pilipino ang kontra sa isang taong martial law extension sa Mindanao.

Sabi ni Alejano, gaya ng kanilang posisyon, nakita ng publiko na hindi na kailangang palawigin ang batas military dahil tapos na ang giyera sa Marawi City.

Pinatunayan rin anya ng survey ang kanilang paniniwala na kayang labanan at tapusin ng Armed Forces of the Philippines ang banta ng terorismo kahit walang martial law, at tiwala ang mga tao sa kakayahan ng AFP.

“Indeed, this could be done through existing mechanisms to make arrests of suspected terrorists and continuous military operations,” giit ni Alejano.

Ayon sa kongresista, marapat namang pakinggan ng gobyerno ang sentimyento ng sambayanan na nangangamba rin sa patuloy na pag-iral ng batas-militar.

“Supporters of the martial law extension, arguing that their constituents support such move, might want to consider and reflect on these poll results. With little belief of the public on the need for extension, the prolonged martial law only raises fear and worries among the public,” sabi ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?