bar-exam
By

Resulta ng Bar exams ilalabas sa Abril 26

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng Korte Suprema ang petsa ng pagpapalabas ng resulta ng 2017 Bar Examinations.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, ang resulta ng Bar exams noong nakaraang taon ay ilalabas sa Abril 26, 2018.

Sa nasabing petsa, magdaraos ang Korte Suprema ng special en banc session para talakayin ang resulta.

Si Justice Lucas Bersamin, chairman ng 2017 Bar Exams, ang mag-aanunsiyo ng resulta na gagawin sa quadrangle ng Korte Suprema pagkatapos ng special en banc session.

Mula sa mahigit pitong libong law graduates na pinayagang makakuha ng nasabing pagsusulit, nasa 6,759 lamang ang nakakumpleto ng pagsusulit na ginawa ng apat na araw ng Linggo noong Nobyembre 2017.

Ang pagsusulit ay sumaklaw sa mga asignaturang Political Law, Labor Law, Civil Law and Taxation, Mercantile Law, Criminal Law, Remedial Law, Legal Ethics at Practical Exercises.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?