22

Feb 4, 2021 @ 16:05
By

Resto bar sa Cebu ginaya Baguio sa ‘maskless’ party, ipinasara

Tila hindi pa nadadala ang mga nagmamay-ari ng mga resto bar at sinundan pa ng Cebu City ang yapak ng Baguio sa pagkakasa ng ‘maskless’ party.

Sa isang video kuha ng netizen, makikita ang mga kabataan sa hindi pinangalanang bar sa Lapu-Lapu City na nagpa-party nang walang suot na face mask at face shield.

Ayon sa ulat, Enero 17 pa nang maganap ang party.

Dahil dito, nag-isyu ng cease and desist order ang lokal na pamahalaan ng Lapu-Lapu City para sa naturang resto bar.

Ayon kay Atty. James Sayson, Asst. City Attorney ng Lapu-Lapu City, malinaw na lumabag sa mga health protocol ang naturang establisyamento.

“It’s a blatant violation of the health protocols established by the city. Na-issue na ‘yung cease and desist, which is akin to a closure order,” wika niya.

Kaugnay nito, kasalukuyang pinag-iisipan ng pamunuan ng lungsod ang pagsususpinde sa mga negsoyo sa ilalim ng ‘lesisure’ category bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?