824

By

Ressa binanatan si DOJ Sec. Guevarra, tinawag na ‘Security of Injustice’

Nabuo ang iringan sa pagitan nina Rappler CEO Maria Ressa at Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod nang pagkakadakip sa una nitong Miyerkoles ng arresting party mula National Bureau of Investigation.

Matapos nitong makapagpiyansa ng P100,000 para sa kasong cyberlibel, sinabi ni Ressa na kaya nitong panagutin si Guevarra kaugnay ng kaso nito.

“You don’t want to be known as the Secretary of Injustice. I also have the right to hold you accountable,” ayon sa Rappler official.

Matatandaan na sinabi ni Guevarra na walang kinalaman sa press freedom ang naging pag-aresto kay Ressa, at dapat umano ay binabantayan nito ang mga kasong nakabinbin sa kanya.

It is Ms. Ressa’s responsibility to monitor her own cases closely,” saad ng DOJ Sec.

Saad naman ni Ressa, kanya umanong ilalaban ang sarili base sa kanyang karapatang pantao.

“I am a citizen of this country and you can’t violate my rights,” ani ng Rappler CEO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?