6

By ,

Responsibilidad sa Stags, aakuin ni Michael Calisaan

Sharing is caring!

Aminado si San Sebastian ace player Michael Calisaan na malaking responsibilidad ang pangunahan niya ang Stags sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 94.

Nakasungkit ng unang panalo ang San Sebastian 85-78 kontra rebooted na College of Saint Benilde-Blazers Biyernes ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“Ngayon pong season na ito, para sa akin po mas lalong tumaas ‘yung responsibilty ko sa team kasi po marami po kaming rookie na kailangan kong i-motivate po every game, kapag papasok po sila sa games kailangan ko po silang kausapin,” ani Calisaan.

Pinangunahan ni Casilaan ang Stags sa kanyang 18 puntos, 10 rebounds, tatlong assists at apat na steals.

“Nagusap-usap lang din kami sa loob, every possession talagang dinedepensahan namin. Yung mga kasama ko po sa loob talagang pinag-uusapan namin kung ano’ng adjustment namin sa loob,” dagdag nito.

Sunod na makakaharap ng San Sebastian ang Letran Knights. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?