238

Sep 26, 2017 @ 14:09

Respetuhin ang karapatang-pantao ng mga sibilyan- PNP

Muling nagbigay ng paalala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na respetuhin ang karapatang-pantao ng mga sibilyan sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Sa press briefing sa Camp Crame, inihayag ni PNP spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, kailangang may kaalaman ang mga pulis dahil kasama sa mga training programs para sa mga bagong pasok na pulis at non-commissioned officers ang pag-aaral kaugnay sa human rights.

Muling inilabas ni Carlos ang pagpapaalala sa mga pulis dahil sa kontrobersya na kinasasangkutan ng mga pulis-Caloocan sa insidente ng pagkamatay ng mga menor de edad dahil sa anti-drugs war.

“Dapat ay nasa isip parati yan ng mga pulis, kung ano ang saklaw ng karapatan-pantao dahil bago sila pumasok sa pagkapulis ay dumaan sila sa training na tungkol sa human rights, na laging irespeto ang batas ng human rights, maging local o international man ito,” paliwanag ni Carlos.

Ang tinutukoy ni Carlos ay ang Human Rights Affairs Office (HRAO) na kasalukuyang pinamumunuan ni Chief Supt. Dennis Siervo na siyang laging nagbubusisi sa records at nagsasagawa ng seminars at trainings.

β€œIt’s a continuing process so if you are already in the PNP, it is really a good program. While our personnel work, they are constantly reminded,” ayon pa kay Carlos. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?