10

By

Resorts World malinis sa Kamara sa nangyaring shooting spree

Sharing is caring!

Hindi nagrekumenda ng kaso ang Kamara laban sa pamunuan ng Resorts World sa nangyaring pag-atake ng isang gunman noong nakaraang taon.

Ito ay kahit tatlumpu’t walong indibidwal ang nasawi sa insidente kasama ang asawa ni Pampanga Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales.

Sa committee report ng House committees on public order and safety, games and amusement at tourism, inisa-isa ang security lapses sa Resorts World na dahilan kung bakit nakalusot ang gunman na si Jessie Javier Carlos.

Sa kabila nito, inirekumenda lamang ng tatlong komite na isailalim sa masusing training at sanayin sa crisis management ang security personnel ng Resorts World.

Iminungkahi din na maging metikuloso ang Resorts World sa pagpili ng mga kukuning empleyado lalo na sa mga kritikal na posisyon gaya ng security.

“The RWM security and safety personnel must undergo more skills training and educative programs on crisis management and risk reduction. The RVM must also adhere to a stringent recruitment and hiring process of employment candidates for sensitive positions such as head security,” saad sa committee report.

Matatandaang nakalusot sa security ng Resorts World ang gunman na si Carlos noong nakaraang taon kahit pa may dala itong baril at nakapagkulong sa kwarto saka nagsimula ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?