31

Oct 1, 2020 @ 12:40
By

Resort ni Gerald bukas na, Julia nag-promote

Bukas na sa mga bisita ang private resort ni Gerald Anderson sa Botolan, Zambales.

Inanunsiyo ito ng aktor sa isang Instagram post kahapon, at pinakita ang ganda ng kanyang Hayati Private Resort.

Samantala, sa kanyang Instagram stories ay ni-repost ni Julia Barretto ang IG post ni Gerald tungkol sa nasabing resort.

Naging trending kamakailan sina Julia at Gerald matapos igiit ni dating broadcaster Jay Sonza na nabuntis ng aktor ang aktres, bagay na pinabulaanan ng dalawang celebrity.

Nireklamo rin ni Julia si Sonza sa National Bureau of Investigation.

“I think I just want to show people now na hindi ko na pinapalagpas ‘yung mga bagay na ganito,” sey pa ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?