jv-ejercito
By

Resolusyon para sa Senate presidency ni Sotto, kinumpirma ni Ejercito

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Senador JV Ejercito ang lumutang na kopya ng panukalang resolusyon na nagsasaad na gusto ng 14 na senador na maging pangulo ng Senado si Senate majority leader Tito Sotto.

Kinumpirma rin ni Ejercito ang pagpirma sa resolusyon.

Aniya, lumagda sila rito bilang pagsuporta sakaling magkasundo sina Sotto at Senate President Koko Pimentel ukol sa pagpapalit ng liderato ng Senado.

Inaasahan naman ni Ejercito na mag-uusap nang masinsinan sina Pimentel at Sotto.

“Sa akin lang I want a smooth transition. Hopefully, Sen. Sotto and SP Koko would settle this between themselves,” ani Ejercito.

Kinumpirma na rin ni Ejercito na dati nang may usapan sina Pimentel at Sotto ukol sa Senate presidency.

“Napaaga lang siguro (ang execution),” ayon dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?