58

Feb 25, 2020 @ 18:00
By

Resolusyon para sa extension ng prangkisa ng ABS-CBN ikinasa sa Kamara

Inihain na rin sa Kamara ni Cebu Rep. Raul del Mar ang House Joint Resolution No. 28 na layong palawigin ang validity ng prangkisa ng ABS-CBN hanggang Hunyo 30, 2022.

Nakatakdang mapaso ang prangkisa ng network sa darating na Marso 30.

Kasunod na rin ito sa joint resolution na inihain ni Senador Franklin Drilon para sa pagpapalawig ng prangkisa ng naturang TV network hanggang Disyembre 31, 2022.

Sa naturang joint Resolution No. 28 nakasaad ang pagpapalawig ng Kongreso ng validity ng kasalukuyang prangkisa ng naturang TV network hanggang Hunyo 30, 2022.

Sa pamamagitan umano nito ay matitiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng TV network habang dinidinig ng Kongreso ang renewal ng prangkisa nito.

Agad namang nai-refer sa House Committee on Legislative Franchises ang joint resolution.

Bilang reaksiyon ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, sinabi nitong ang komite na umano ang magpapasya ukol rito.

“It is now up to the Committee Chairman and Members to decide on how to dispose of the HJR No. 28, whether to prioritize it over a slew of ABS-CBN franchise extension bills filed separately by 11 other
congressman,” ayon kay Romualdez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?